Timbog si Rodel Paguirigan sa drug buy-bust operation sa Alinguigan 3rd, Ilagan City kagabi. (Jun Cuntapay)

Ulat nina Felix Cuntapay Jr. at Maria Jesusa Esteban

Natimbog ang isang negosyante makaraang magbenta ng hinihinalang shabu sa mga police poseur-buyer sa Barangay Alinguigan 3rd, City of Ilagan, Isabela kagabi (July 20).

Ayon kay Police Lt. Roberto Masiddo, team leader ng PNP-Ilagan, nakilala ang suspek na si Rodel Paguirigan, 48-anyos at negosyante sa naturang lugar.

Nasamsam mula sa kanya ang isang supot ng hihinalang shabu, cellphone at P1,500 na buy-bust money (P1k boodle, P500 genuine). 

Una rito, nagpanggap na  bibili ang mga police assets bago ang buy-bust at una nang positibo ang gawain ng suspek. Dahil dito, isinagawa ang operasyon at nadakip ang suspek. 

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 laban kay Paguirigan. #