Courtesy: Nonito Donaire FB Files

Ulat ng BH Team

TILA ibinalik ng 42-anyos na boksingero na si Nonito Donaire ang panahon matapos talunin ang 28-anyos na si Andres Campos ng Chile sa pamamagitan ng pag-iskor ng teknikal na desisyon para maging pansamantalang may hawak ng titulo ng WBA bantamweight sa Casino Buenos Aires sa Argentina ngayong Linggo (Hunyo 15), ayon sa mga ulat sa news wires.

Matapos ang dalawang taong pagkatengga sa lona, paulit-ulit na kinontra ni Donaire si Campos gamit ang kanyang kaliwang kamao para maiskor ang panalo sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang Filipino ring icon na tinaguriang “The Filipino Flash” ay nagtamo ng sugat sa kanyang kanang mata, isang minuto sa ika-siyam na round dahil sa isa pang aksidenteng ulo, kaya halos nakapikit ang kanyang mata.

Nang itigil ang 12-round fight, nanguna siya sa lahat ng tatlong scorecards, 87-84 (Ignacio Robles), 87-84 (Jose Roberto Torres), at 88-83 (Guillermo Perez Pineda).

Sa 43-8 na may 28 KOs na rekord, makakalaban ni Donaire ang mananalo sa Antonio Vargas-Daigo Higa title match sa Yokohama, Japan sa Hulyo 30.

Nauna nang natalo si Donaire kina Alexandro Santiago at Naoya Inoue sa dalawang magkahiwalay na world title fights.#