Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan- Hindi ballpen kundi malamig na bakal ng rehas ang hinihimas ngayon ng isang notoryus na estudyante na kabilang sa Top 7 Provincial Most Wanted Person ng PNP matapos itong mapasakamay ng kapulisan ng Ilagan City Police Station.
Batay sa report ni Polcie Colonel Julio Go, Provincial Director, Isabela Police Provincial Office kay PRO2 Regional Director Police Brigadier General Christopher Birung bandang alas dyes ngayong umaga ng napasakamay nila si alias “Along”, 18 anyos, estudyante at residente ng Allinguigan 3rd, City of Ilagan, Isabela sa pagsisilbi ng Mandamiento De Aresto na pinalabas ni Hon. Jeffrey Julian Cabasal Presiding Judge, Regional Trial Court, Second Judicial Region, Branch 16, City of Ilagan, Isabela sa kasong Statutory Rape na naka-docket sa ilalim ng Criminal Case Number CICL NO.12-2023-D at CICL NO.13-2023-D ng walang nirerekomendang pyansa.
Nasa kustodiya ngayon ng Ilagan PNP ang naturang suspek para sa kaukulang imbestigasyon at tamang disposisyon. Kasong Statutory Rape ang kasalukuyang inihahanda ngayong araw laban sa naturang suspek sa pamamagitang ng inquest proceeding.
Samantala, ikinagalak at ikinatuwa ni Direktor Birung ang matagumpay na pagkakadakip ng naturang notoryus na tao. Kaniya ring hinimok ang tulong ng mamamayan ng Lambak ng Cagayan at hinikayat na ituro ang mga lungga ng mga kawatan na siyang sumisira sa katahimikan ng lansangan. “Ang mga pagkakahuli ng mga Wanted sa batas lalo na ang mga notoryus na kriminal ay bunga ng ating kolaborasyon at pagtutulungan para gawing ligtas ang ating lipunan tungo sa magandang Lambak ng Cagayan”, dagdag ng direktor.
PNP PR02 Press Release
Photo Courtesy: PNP Region