Ulat ng BALITANG HILAGA TEAM
Binisita kamakailan ni 28-anyos Marinette Danao, isang nars, ang burol ng tatay sa memorial garden sa bayan na ito.
Ang kanyang tatay raw ang biggest fan niya bilang dancer kaya inalayan niya ito ng sayaw habang nagtiTikTok sa burol nito sa kanilang bahay.
Naging viral ang post sa FB ni Danao kaya umani ito ng papuri pero maraming bashers ang nagsabi na hindi raw nito nirespeto ang libing ng tatay.
Pero para sa kanya, ang sayaw ay uri ng ekspresyon sa iba’t ibang panahon at di lamang kasayahan kundi maging sa pagdadalamhati.
“I want to impart what my dance means, it is a dance of expression. It means we can express our feelings and experiences with the dance. We can express the beauty of music. We can dance our sorrows and pains. Body can experience emotions through the dance and express inner visions by movements. We can experience them deeper by dancing them,” ayon sa kanya,
Namatay ang kanyang tatay noong Hunyo 6 nang mabangga ng isang traysikel habang naglalakad sa kanilang lugar.
Una nang nakarekober ang tatay at maging si Marinette sa COVID-19 virus matapos silang tamaan.
Hindi naman nakauwi ang nanay ni Marinette nang ibinurol at inilibing ang tatay niya dahil nasa ibang bansa ito at di-makabiyahe.#