September 15, 2021. Suot ang Level 4 PPE, sinalubong ni Governor Marilou Cayco si OCD RO2 Regional Director Harold Cabreros sa kniyang inisyal na pagbisiya sa Probinsiya upang personal na i-assess ang pinsala ng Super Typhoon Kiko.

Namahagi na rin sila ng inisyal na Cash Assistance mula sa DSWD Regional Office No. 02 sa mga 20 pamilya mula sa Barangay San Joaquin na mga totally damaged ang mga bahay. Brgy San Joaquin and masadabi pinaka “hardly hit” ng ST Kiko. Sila rin ay nabigyan na ng Provincial Government ng tig-sampung yero at mga kahoy.

Samantala, ngayong araw, mamamahagi ang Provincial Government ng mga yero, kahoy at trapal para sa mga pamilyang totally damaged ang mga bahay sa mga Barangay ng Kayvaluganan, Kayhuvokan, San Antonio , Kaychanarianan at San Joaquin.

Sa kasalukuyan, nasa 363 na ang mga totally damaged na mga bahay at 1,370 ang partially damaged. Umabot na sa 537.4M ang halaga ng pinsala sa Probinsiya.

(Courtesy:PLGU-Batanes)