CITY OF ILAGAN, Isabela-Tututukan ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. ang pagkakapasa ng kanyang iniakda na institutionalize OFW Hospital for Overseas Filipino Workers (OFWs) na may layon na ipatayo at i-institutionalize sa bansa.
Ayon sa senador na bumisita kamakalawa sa Isabela, magiging prayoridad na ang mga overseas Filipino workers sa mga confinement at iba pang serbisyong medical habang inaasikaso ng mga doktor.
Titiyakin raw niya na de-kalidad ang mga serbisyo-medikal at may state-of-the-art facilities at mga iba pang kagamitan sa mga ospital depende sa kondisyon ng pasyente.
Nasa pangalawang pagbasa ang akda niya na Senate Bill No. 2822.
Iniakda rin ni Revilla ang naging batas na “Kabalikat sa Pagtuturo Act” na nagtaas sa chalk allowance ng mga guro mula P5,000 at ngayon ay P10,000; ang “Anti-No Permit, No Exam Act,” at ang “Expanded Centenarian Act.” #