(Nailathala ito sa April 6 – 12, 2024 print edition)

ANG trilateral na pagpupulong ng tatlong bansa—ang Estados Unidos ng Amerika, Pilipinas, at Japan—ay magbibigay daan para legal na palakasin ang paninindigan laban sa pambu-bully ng gobyerno ng China.

                Ilang araw lang ang nakalipas, muling tiniyak ni US President Joe Biden sa Pilipinas ang “matatag” na pangako ng gobyerno sa pagtatanggol nito sa pamamagitan ng pagtaas ng suporta nito para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at upang maghanda para sa harassment na ginagawa ng mga lider ng China.

                Ito ay isang kalasag ng seguridad para sa isang maliit na bansa tulad ng Pilipinas.

                Sinasabi ng magkasanib na pahayag ng tatlong bansa ang lahat. Muli nilang pinagtibay ang “magkabahaging pananaw ng Manila at Washington D.C. sa isang malaya at bukas na Indo-Pacific,” at nakipag-usap na gamitin ang koordinasyon sa mga ibinahaging hamon sa South China Sea, kabilang ang “paulit-ulit na harassment ng mga legal na operasyon ng Pilipinas ng People’s Republic of China .”

                Inilarawan nila ito bilang isang “bakal na pangako” sa US-Philippine Alliance at inalala na ang 1951 Mutual Defense Treaty ay pinalawig sa mga armadong pag-atake sa armadong pwersa ng Pilipinas, pampublikong sasakyang-dagat o sasakyang panghimpapawid sa South China Sea.

                Ang kanilang mga salita ay nagpapahiwatig para sa isang mas malalim na pag-unawa upang maprotektahan ang internasyonal na batas ng dagat ng isa’t isa: “Ang mga partido ay higit na nagpasya na galugarin ang mga karagdagang pagkakataon upang palakasin ang pandaigdigang suporta para sa pagtataguyod ng internasyonal na batas ng dagat.”

Ang China, sa kabila ng sarili nitong ipinataw na ten-dash-line claim, ay hindi maaaring ura-urada na yurakan ang internasyonal na batas ng dagat.

Nakakahiya sa mundo ang bansa na ito na nambu-bully at umaangkin ng di kanya.#