Kolum ni VILLAMOR C. VISAYA JR. (Nailathala ito sa June 22 – 28, 2024 print edition)

ISANG buhos ng pakikiramay ang dumaan sa mga naulila na pamilya ng tatlong overseas Philippines workers (OFW) na kabilang sa mga biktima ng sunog na sumira sa isang residential building sa Kuwait noong Hunyo 12.

            Inaasahang darating sa bansa ang mga labi nila ngayong linggo. Maliban sa impormasyong ito, inaasahang darating din ang 21 Filipino seafarers na nasagip mula sa MV Tutor na sinalakay ng mga rebeldeng Houthi sa Red Sea.

            Mabuti na lang at sumailalim sa debriefing ang mga Filipino seafarers bago sila bumalik sa Pilipinas.

            Kasabay nito, inasikaso na ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga kinakailangang dokumento para sa pagtanggap ng mga labi ng tatlong OFW ng kanilang mga pamilya.

            Iba’t ibang uri ng tulong ang dumarating para sa mga naulilang pamilya.

*****

            Hindi nagtatapos ang impiyerno para sa suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac.

May mga ulat sa pahayagan na nahaharap si Mayor Alice Guo sa mga kaso ng human trafficking ngayong linggo batay sa impormasyong inilabas ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).

            Well, maaaring managot siya sa krimen dahil partial ownership niya ang mga ari-arian kung saan naganap ang umano’y human trafficking activities sa Tarlac. Hindi lamang human trafficking ang sinisiyasat. Kahit money laundering.

            Ang kanyang mga di-umano’y kasapakat ay hindi ligtas. Maaaring kabilang din sila sa mga kinasuhan.

Sa pagdinig ng Senado, naunang sinabi ni Guo na ibinenta niya ang kanyang bahagi sa Baofu Land. Ang ari-arian na ito sa Bamban, Tarlac ay ni-raid ng mga awtoridad ng gobyerno at napag-alamang isa itong ilegal na Philippine offshore gaming operator (Pogo) na lokasyon ng Zun Yuan Technology Inc. noong Marso ngayong taon.

Bagama’t maaaring sabihin ni Guo na ibinenta niya ang kanyang bahagi sa Baofu Land bago tumakbo bilang alkalde noong 2022, maaaring may kasalanan pa rin siya dahil pinirmahan niya ang mga kontrata sa pag-upa sa pagitan ng Zun Yuan Technology Inc. at Baofu Land noon.

Nakakainis raw at nagpapahamak kay Guo ang mga papeles. Eh, di Wow!#