Sinunog ng mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency agents at PNP-Kalinga ang nagkakahalaga ng P21.9-million na plantasyon ng sa simultaneous marijuana eradication drives sa mga barangays Buscalan, Butbut Proper at Loccong sa bayan ng Tinglayan, Kalinga noong Martes.
Ayon sa ulat, sinira ang isang milyong piso na halaga ng itinanim na marijuana sa Barangay Buscalan habang sinunog din ang 57,500 piraso ng fully-grown marijuana plants at sinira ang 65,000 pirasong marijuana seedlings sa anim na plantasyon sa na nagkakahalaga ng P14.1-million sa Barangay Butbut Proper.
Sa Barangay Loccong, sinira ang 34,000 piraso ng mga puno ng fully-grown marijuana na nagkakahalaga ng P6.8-million sa apat na marijuana plantation sites.
Walang nadakip na cultivators sa mga lugar.#