Courtesy: PNP Cordillera

Sinunog ng mga operatiba ng Philippine National Police #PNP at Philippine Drug Enforcement Agency #PDEA ang nasa P2.8 bilyong halaga ng marijuana mula sa dalawang plantasyon sa Benguet nitong Biyernes, March 21.

Ayon sa ulat ng PNP Cordillera, nasa 14,000 na fully grown marijuana plants ang nadiskubre sa Brgy. Kayapa sa Bakun at Brgy. Badeo sa Kibungan. Nagtira ang mga awtoridad ng ilang sample para sa forensic examination.

Walang naaresto sa operasyon dahil walang naabutang nagtatanim o nag-aalaga sa dalawang plantasyon. Patuloy ang imbestigasyon ang PNP at PDEA para mapanagot ang mga nasa likod ng mga ito.#