Ulat ni Niecel Joy Opolinto, Contributor
Ginanap ngayong araw Marso 23, 2022 sa Barangay Hall, Alibagu, Ilagan City, Isabela ang ikatlong anibersaryo ng Balitang Hilaga. Naghatid ng kaunting tulong ang miyembro ng nasabing publikasyon sa mga 20 pamilya na hirap sa pang araw-araw. Pinangunahan ito ni Ginoong Villamor C. Visaya Jr.
Si Franklin Corales, 52 anyos na nakatira sa Purok 3, Alibagu ay isa sa mga nakatanggap ng nasabing ayuda. Si Franklin ay isang basurero sa loob ng pitong taon sa nasabing barangay. May asawa at 3 anak at ang dalawa dito ay nag-aaral pa lamang. Ang isa sa kaniyang anak ay namamasukan bilang construction worker kapag walang klase.
Utility worker naman ang kaniyang asawa, dagdag pa niya na hindi sapat ang kita nilang mag-asawa para matustusan ang kanilang pang araw-araw kaya pagkatapos niya sa trabaho ay namamasada din siya para may pandagdag kita.Sinabi pa niya na kapag kaunti daw ang kita ay pinagkakasya nalang daw kung ano ang mayroon sila.
Bakas ang saya sa mga mukha ng mga nabigyan ng ayuda. Laking pasasalamat din nila at sila ang mga napiling nabigyan.
Ang ganitong klaseng programa ay hindi para makilala kundi para makatulong sa kapwa.#