“Isang Dekada ng Pagsulong Tungo Sa Kaunlaran”, ito ang naging tema sa pagdiriwang ng Ilagan City ng kanilang 10th Cityhood Anniversary noong araw ng 11 ng Augusto. Iba’t ibang selebrasyon ang inihanda ni City Mayor Jay Diaz para sa mga IlagueƱos. Kabilang na dito ang simultaneous event sa Brgy. Lullutan.
Alin sa mga naganap sa Brgy. Lullutan ang launching ng E-konsulta Program ng PhilHealth, Inauguration ng Multipurpose Hall at Groundreaking ng bagong MRI Building at Winterwonderland Theme Park. Dinaluhan naman ng iba’t ibang City, Regional at National Agencies ang nasabing simultaneous event upang masaksihan ang isa sa naturingang milestone ng siyudad ng Ilagan.
Sabi nga ni Mayor Jay Diaz sa kaniyang speech ay “Isang dekada ng pakiki baka, isang dekada ng pagkakaisa, isang dekada ng pag-asa at tagumpay”. Na ang araw ng kanilang Cityhood Anniversary daw ay bilang isang pagdiriwang narin sa pagiging lungsod at pag-tangkilik sa mga taong kinikilala nating sandigan na tumulong sa pag sulong ng pag unland ng siyudad ng Ilagan.
Ang siyudad ng Ilagan ang isa sa pinaka malaking siyudad sa lalawigan ng Isabela. Hindi rin maitatanggi ang mga proyektong nagawa ng LGU upang ang Ilagan ay mas mapaganda at mapa unlad pa patungo sakanilang hangaring “Most Liveable City in 2030”.