By Mel Kathrina Respicio
Isa sa ipinagmamalaki ng Malasin, Aurora, Isabela si Lucky Salayog, 35-taong gulang na isang Iskultor. Siya ay siyam taon na bilang isang propesyonal na artist. Karamihan sa kaniyang mga likhang sining ay gawa at nanggagaling sa junkshop.
“Kunyare gagawa ako ng lamp shade made of bao ng niyog, tapos humihiram lang ako ng tools,” ayon din sakanya nagsimula siyang magkainteres sa paggawa ng likhang sining noong siya ay nasa ika-apat na baitang.
Lahat ng kanyang konsepto ay pinag-isipan ng mabuti, katulad na lamang ng kasalukuyan niyang proyekto na gawa sa mga parte ng sasakyan na gagawin niyang lamp shade.
Naging ‘Greatest Achievement’ ni Salayog ang paggawa niya ng eskultura ni Pangulong Rodrigo Duterte kung saan siya ay naimbitahan sa Palasyo upang iabot ito sa Pangulo, “overwhelming, karangalan ko ang makita at makausap ko ng personal si Presidente.”
Ibinida rin ni Salayog ang isa sa kanyang mga nagawa tulad ng lamesa na may disensyong ‘trireme’ isang Ancient Greek warship na kinokonsidera bilang kinetic art.
Ayon pa sa kanya naging kliyente at taga-pagturo rin niya si retired PNPA Director Gilberto DC Cruz, kung saan ang dalawa ay nagkaroon ng kolaborasyon sa paggawa ng ‘terminator’ gamit ang bisikleta.
Marami siyang bigating kliyente na tumatangkilik sa kanyang mga eskultura katulad ni retired PNP chief Oscar Albayalde, retired PNP police at kasalukuyang senador Ronald dela Rosa.
“Sa mga merong interest sa pagiging isang artist ang masasabi ko, kung may nais kayong gawin, gawin nila ng buong puso nila , idedicate nila sa diyos yung mga ginagawa, para maging maganda yung outcome” ani Salayog.
Si salayog rin ang gumawa ng monumento ni dating Governor Benjamin Dy sa Cauayan City, Isabela, na umabot ng apat na buwan sa paggawa.
Ang kanyang asawa na si Delilah, 33-taong gulang, at anak na si Sem Kylie 6-taong gulang ang naging inspirasyon niya upang maging mas maganda ang kanyang mga likha.#