Photo Courtesy: (BIO)

Batay sa Mean of Platts Singapore, ang mga industriya ng langis ay posibleng magtaas ng presyo ng krudo mula P5.30 hanggang P5.50 kada litro.

Ang gasolina naman ay posibleng umakyat ng mula P3.50 hanggang P3.70 kada litro.

Ginagamit ng mga lokal na industriya ng langis ang Mean of Platts Singapore (MOPS) para makita ang araw-araw na average ng mga transaksiyong pangkalakal sa pagitan ng mga nagbebenta at namimili ng mga produktong langis.

Sa kabila nito, sinabi ng Unioil Petroleum Philippines na tinatantyang sa Marso 8 hanggang Marso 14 na linggo ng kalakal maaaring tumaas ang presyo ng krudo hanggang P4 kada litro samantalang hanggang P3 naman kada litro ang itataas ng gasolina. (BIO)