Ulat  ni  BOBBY DAGUIO

Inaalam na ngayon ng mga kinauukulan ang pagkakakilanlang ng mga kawatan na nakasakay ng dalawang motorsiklo makaraang tangayin ang dalawang panabong na manok kamakalawa (June 17)  ng 2:45 ng madaling araw sa Barangay Lanna, Solana, Cagayan.

Ayon sa pulisya, ipinaalam ng barangay ang pagnanakaw ng apat na katao na nakasakay na tig-dadalawa sa dalawang motorsiklo at tila alam na alam ang gagawin nang tangayin ang dalawang panabong na manok sa harap ng isang bahay.

May mga teorya na rin at suspetsa ang barangay at kapulisan pero hindi pa nila ito ipinapaalam habang tinutugis pa ang mga kawatan.

Hindi pa narekober ang ninakaw na panabong na nagkakahalaga ng nasa P20,000 hanggang P75,000 o mas mahal pa depende sa klase at breeding ng manok.#