Ulat ng BH Team
CAUAYAN CITY-Dahil agrikultura ang pangunahing industriya sa Isabela, ito ang dapat tinututukan ng pamahalaang lokal at sa nasyunal.
Ito ang tinuran ni dating Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos sa kanyang pagbisita sa mga bayan at siyudad sa Isabela noong Enero 21 at 22.
“Isabela is rice granary, practically, in the Philippines.Dapat bawat isa tinitignan mo ang strength mo and weakness mo. Ang weakness namin kami ang pinakamaliit na lungsod nung araw eh. At hinde pa yun madaming wala kaming buwis, nasa amin ang mental hospital nasa amin ang correctional ang ADB(Asia Development Bank) tax-free yan and yung Wack-Wack , just recreational tax napakababa pero andami naming informal settlers,” kuwento ni Abalos.
Dahil dito, gumawa raw ng paraan si Abalos para maimbitahan at maparami ang mga investors at nangyari ito sa pagtanggal ng red tape sa burukrasya sa lungsod ng Mandaluyong.”
“Nung nagkapera na kami isa lang naman ang hiningi ko sa mga negosyante e, trabaho para kung may trabaho na may pang-uwi na sila, tapos kinuha namin lahat ng riles namin pinahulugan namin at yung two thousand families, may mga lupa na at hinde lang yun di pa kami tumigil don pati malalaking state sinub-divide namin,” dagdag pa niya.
Isa sa malaking ambag na istratehiya na kailangang sundan ng mga lokal na pamahalaan para sa progreso ay tumbukin ang kahinaan at lakas ng isang bayan o lalawigan, ayon pa sa dating Kalihim ng DILG na ngayon ay senatorial aspirant.#