Ulat ng BH Team/GIDEON VISAYA
Pagpapaunlad sa tulong ng kasanayan sa teknikal at bokasyonal, hindi ng mga titulo o degrees, lalong isusulong, ayon sa direktor-heneral ng Technical Education and Skills Development Authority ngayong araw (Sept.21)
Sa kanyang pagbisita sa Santo Tomas Technological International School ngayong umaga (Sept.21), hinimok ni TESDA Director General Jose Francisco Benitez ang mga taga-Isabela na papaunlarin pa nila ang modality sa pagsasanay hinggil sa enterprise-based education and training (EBET).
Aniya, magiging maunlad ang industriya sa ilalim ng TESDA sa pagtutulungan ng pamahalaan at mga pribadong investors sa pamamagitan ng partnership ng mga pribadong industriya at TESDA sa pamamagitan ng pagdadala ng lugar ng trabaho sa mga silid-aralan at mga silid-aralan sa mga trabaho. Malaki raw ang matutunan sa mga lugar sa aktuwal na paggawa.
Aniya, kinakailangan ng 45,000 na karagdagang kawani na may mga teknikal-bokasyonal na kaalaman sa gaya ng care-giving, computer servicing, early child care and development at iba pa.
Ininspeksyon rin ni Benitez ang bagong gawang mga pasilidad sa Santo Tomas Technological International School na katuwang ng TESDA para sa pag-aaral ng kasanayan sa Teknikal at bokasyonal.
Aniya, malaking tulong ang national certificates para mapunan ang gap sa pagitan ng workforce at mga in-demand na mga trabaho.#