Ulat ni Mel Kathrina Respicio, Contributor
Bad news para sa mga motorista. Hindi mapigilan ang pagsipa ng presyo ng petrolyo ngayong mga nakaraang araw. Halos mapaiyak ang mga tsuper dahil sa pagtaas ng presyo. Kasabay ng pagtaas ng presyo ng petrolyo ay ang pagtaas ng mga bilihin sa merkado.
Ayon kay Nelvin Allam , 42 taong gulang isang tricycle driver “malaki ang epekto, wala na din sumasakay, kami magtataas din kami ng pamasahe ang problema hindi nakakaintindi ang pasahero, ngayon wala na kaming maisasakay na pasahero naglalakad nalang yung mga pasahero. Kumikita din kami pero konti lang sakto lang pang bagoong, pang- asin, hindi gaya noon na nakakakain kami ng masarap ngayon okay na yung bagoong . Nakikiusap kami ng maayos yung iba nakikisama naman yung iba nagagalit hinahayaan nalang namin. Pamahalaan nalang dapat ang gagawa ng paraan para bumaba yung presyo ng gasolina”.
Ayon din kay Jason, 31 taong gulang isang gasoline boy sa isang gasolinahan,“Yung benta namin tumumal dahil sa pagtaas ng presyo.”
Sunod-sunod ang mga araw na tumaas ang presyo ng petrolyo at hindi alam kung kailan ito titigil.#