Ulat ni Mel Kathrina Respicio
Pinangunahan ni Dr. Manuel Galang, Department of Agriculture, Region 2, ang pagbibigay ng impormasyon tungkol sa paglaganap ng bird flu.
Pinangalanan niya ang ilan sa mga lugar kung saan mayroong kumpirmadong kaso ng bird flu katulad ng, Nueva Ecija, Laguna, Tarlac, Benguet, Sultan Kudarat, Pampanga, at Bulacan.
Isa sa mga problemang kinakaharap ngayon ay marami pa rin ang nagpapastol ng itik, pato, at mga pwedeng dapuan ng bird flu.Ang biglaang pagkamatay ng manok, at lahat ng may balahibo ang isa sa mga senyales ng bird flu.
Ayon din sa kanya, paalis na ang mga migratory birds na kadalasan ay nanggagaling sa Russia at China, kapag malamig ang panahon, ngunit malaki pa rin ang tiyansa na mayroon parin maiiwan.
Kinumpirma ni Galang na wala pang bakuna na magagamit, dahil kinakailangan maging tiyak ang bakuna na gagamitin.
Sa ngayon ay nagsasagawa na ang Sector ng Agrikultura ng aksyon o seminar para sa mga opisyal ng mga Local Government Units para sa mga may manukan.
“Let’s keep our birds safe,” pinaalalahanan rin niya ang mga tao upang maging mapagbantay, kailangan bakunado, pagbibigay ng impormasyon at maging may kamalayan.#