Ulat ni Demie Faith Danday at Niecel Joy Opolinto
Ang isang pagtitipon sa responsableng pagmimina ay pinasimulan noong Marso 24, 2022 sa Zen Hotel, Santiago City.
Isa sa mga tagapagsalita ay si Engr. Richard P. Alamo, ng Mine and Safety, Environment and Social Development Division.
Tinalakay niya ang tungkol sa mga usapin sa patakaran sa pagtanggal ng ban sa open pit mining o ang DAO 2021-40 na inaprubahan noong Disyembre 23, 2021.
Ayon sa mga pananaliksik, ang direktang pagmimina nang direkta sa ibabaw ng lupa, na nagreresulta sa isang open pit, ay kilala bilang open pit mining. Kapag ang uranium ore ay malapit sa ibabaw, ang pamamaraang ito ay praktikal at matipid. Ang open pit mining ay isang legal na pamamaraan ng pagmimina, Sinabi rin ni Engr. Alamo: “May mga grupo din na laban sa open pit. Ito ay tinanggap sa buong mundo kaya ang lahat ay nakasalalay sa uri ng mineral,” dagdag niya.
Ipinahiwatig din niya na hindi lahat ng open pit mine ay gumagawa ng acid rock drainage at may mga pinakamahusay na diskarte sa pagkontrol upang makatulong na maalis ang negatibong epekto ng pagmimina.
Sa kaso ng Oceanagold Philippines, tinalakay niya na alkaline ang mga mineral na naroroon sa lugar. “Kaya, ang progresibong rehabilitasyon ng pagmimina ay ginagawa upang maibalik ang lugar sa dati,” aniya. Ipinahiwatig din niya na “ang industriya ng pagmimina ay parang alkansya.” Nangangahulugan ito na kapag ikaw ay nangangailangan ay mayroon kang alkansya na maaari mong buksan sa panahon ng kagipitan.
Naniniwala ang pamahalaan na ang industriya ng pagmimina ay magiging kontribyutor para sa bansa.#