CITY OF ILAGAN – Nais ng mga Isabeleno na marinig sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtutok nito sa sektor ng agrikultura.
Ayon kay Milky Sagun, 32, Terminal Enforcer, nais niyang pagtuunan ng pansin ni Pangulong Marcos ang pagtaas ng presyo ng mga produktong pang-agrikultura dahil ito ang pangunahing pinagkakakitaan o hanapbuhay ng mga Isabeleno.
“Iyong number one na dapat kong marinig about sa SONA ni marcos ay yung about sa agriculture kasi nasa Isabela tayo more on agriculture yung mga source of income ng mga taga Isabela. Kasi sa taas ng input sa farming lalong-lalo na sa corn dapat maging mataas din yung pagbili ng mga kapitalista sa product natin,”ani Sagun.
Hangad naman ng ilan ang pagbaba ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Gilbert Salvador, 47, vendor, nais niyang bumaba ang presyo ng bilihin lalong-lalo na ang mantika at asukal na siyang pangunahing sangkap ng kaniyang paninda.