Ulat ng BH Team

Pagtutulungan o Paddurufunnan sa Ybanag, tema ng paggawa ng mural painting na bahagi ng 442nd Aggao Nac Cagayan 2025 sa Mural Art Painting Competition 3rd season sa Cagayan Sports Complex inner and outer walls.

Kabilang sa mga sumali ang 40 kalahok mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa pagbuo ng kanilang obra.

Anila, tema ang pagkakaisa, pagtutulungan, pagkamalikhain, pagiging lider at masikhay, maliban pa sa pagiging isang mabuting Cagayano.

Ayon sa mga ilang sumali sa kumpetisyon, malaking tulong daw ito na madagdagan ang kanilang karanasan lalo na sa kanilang kurso sa arkitektura at civil engineering.

Ang mga estudyanteng kalahok sa kompetisyon ay mula sa mga unibersidad ng Cagayan State University sa kanilang mga campuses sa Carig, Andrews, Lal-lo, Aparri, Gonzaga, at Sanchez Mira; University of Saint Louis Tuguegarao; Saint Paul University Philippines; Saint Joseph College of Baggao Inc.; Lyceum of Aparri;University of Cagayan Valley at International School of Asia and the Pacific.

Ihahayag ang mga mananalo sa susunod na mga araw at ang kampeon ay mag-uuwi ng P50,000 bilang first prize; P40,000 para sa second prize, P30,000 para sa 3rd prize, at P7,500 sa consolation prize.#