Ulat ni GIDEON VISAYA

TUGUEGARAO CITY-Handang-handa na.

Ito ang naging pangako ng mga opisyal ng host University of Cagayan Valley (UCV), City Government of Tuguegarao, at ng Provincial Government of Cagayan sa pagsalubong nila sa humigit-kumulang 20,000 attendees—karamihan ay mga atleta, coach, officiating officials, at chaperon—para sa national Private National Private School Athletics Association (PRISAA) Games 2025 sa lungsod na ito.

“Handa na ang lahat mula sa programa, venue, tirahan para sa mga delegado, seguridad, emergency responders, trade fair, hanggang sa mga aktibidad sa turismo na maaaring ialok sa mga bisita,” ayon kay Dr. Esther Susan Perez-Mari, UCV president, sinabi sa isang pulong pambalitaan sa UCV building noong Abril 2 dito.

Sinabi ni Perez-Mari, ang National PRISAA president, na hindi magiging “smooth-sailing” ang national sports event dahil nagho-host sila ng halos 8,000 atleta na sasabak sa iba’t ibang sporting event mula sa 400 pribadong Higher Education Institutions (HEIs) sa 17 rehiyon sa buong bansa ngunit nangako siyang ibibigay nila ang pinakamagandang karanasan para sa mga bisita.

“Isang taon na namin itong pinaghahandaan dahil ito ang aming unang pagho-host. Naniniwala kami na magagawa namin na higit pa,” aniya, at idinagdag na ang mga hotel ay ganap na naka-book para sa kaganapan.

“Napakaespesyal ng pagho-host ng Pambansang PRISAA, dahil hindi lamang ito katuparan ng ating pangarap kundi katuparan din ng matagal nang hinahangad ng aking yumaong ama, dating pangulo ng PRISAA at dating board member na si Victor Perez, na dalhin ang Pambansang PRISAA sa lungsod,” dagdag niya.#