(Photos by Felix Cuntapay Jr.)

Bumida ang pancit batil patong sa Pancit Festival, bahagi ng Pavvurulun Afi Festival, kanina  (Agosto 14) sa Tuguegarao City. Bumandera ang mga mahihilig sa pancit lalo na sa kontes sa kainan at pagluluto.

Ayon kay Mayor Maila Ting-Que, bahagi na ng kultura at tradisyon ang pansit sa Tuguegarao City at ang batil-patong ay palasak na sa buong bansa at ibayong-dagat.