Ulat ng BH Coverage Team/Felix Cuntapay
Nakamit ng Marian’s Panciteria ang kampeonato sa pagalingan sa pagluluto sa katatapos na Pattaradday Pansit Batil Potun Festival, isa sa mga inabangang aktibidad ng Pavvurulun Afi Festival ngayong taon na ginanap sa Calle Comercio-Bonifacio Street sa Tuguegarao City.
Nakatanggap ng ₱50,000 na premyo at tropeo ang Marian’s Panciteria. Pumangalawa naman ang Julie’s Panciteria na nakatanggap ng ₱30,000 na premyo at pumangatlo ang Jomar’s Panciteria na nakatanggap ng ₱20,000.
Nakuha rin ng Jomar’s Panciteria ang special prize para Most Shared and Liked na may premyong ₱5,000 at Best Pancit Presentation, kung saan nakatabla nila ang Bancho’s Panciteria at may cash prize sila na tig-₱5,000 bawat isa. Nakuha ng JM Alan’s Panciteria ang Best in Cleanliness na may kaakibat na premyong ₱5,000.
Labing-anim na mga pansiteria ang nakilahok ngayong taon sa nasabing kompetistyon, kung saan ang mga di pinalad ay nakatanggap ng tig ₱5,000 bilang consolation prize bawat isa.
Sa pabilisan sa pagkain ng pansit, nanalo ang Barangay San Gabriel at nakatanggap naman ng ₱15,000 at tropeo. Pumangalawa ang Barangay Cataggaman na may P10,000 at pumangatlo ang Tagga na may P5,000 na premyo.#