Natagpuang wala nang buhay ang isang lalaki matapos itong malunod sa pagitan ng Barangay Bulala at Dacal-Lafugu sa Camalaniugan, Cagayan.
Ang biktima ay kinilalang si Emi Damaso, 61, ng Brgy. Dammang Sur sa nasabing bayan.
Agad nagsagawa ng search and rescue operation ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) Camalaniugan kasama ang mga Pulis, at Philippine Coast Guard (PCG) at natagpuan ang katawan ng biktima sa Brgy. Bulala area.
Ayon sa MDRRMO Camalaniugan, sumakay ang lalaki sa isang bangka noong Biyernes ng gabi habang pauwi siya at kailangang tumawid ng ilog. Maaaring nalunod umano ang lalaki dahil sa hindi sinasadyang pagkahulog nito mula sa kanyang bangka at hindi na nito nagawang umahon pa.
Napag alaman na ang biktima ay nasa ilalim ng nakalalasing na inumin ng mangyari ang inisidente.
Samantala, ang natagpuang katawan ay positibong kinilala ng kanyang pamilya.#