Sa Cauayan City sa Isabela, patok ang Prosperity Performance at Lion Dance habang umikot sa mga tindahan ang dancers para sa angpao sa Chinese New Year celebration ngayong araw (Jan29) sa isang pribadong mall dito sa siyudad.
Nakiisa naman ang mga Tsinoy at maging mga Pinoy na game na game na nanood at nagbigay ng angpao sa mga umiikot na mga dancers.
Pinalakpakan at ikinatuwa rin ang Prosperity Performance ng mga lion dancers sa lugar.
Gamit ang mga magagara at makukulay na mga kagamitan na kulay pula at matingkad na yellow at mga instrumento na sumasaliw sa kanilang sayaw, umani ng papuri ang mga mananayaw sa naturang pagtitipon.#