Kinilala ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 314 na female trainees sa PCG Regional Training Center sa La Union noong Miyerkules, ika-17 ng Agosto 2022.

Pinangunahan ni CG Commodore Roben De Guzman ng Coast Guard Education, Training and Doctrine Command (CGETDC) ang recognition ceremony para personal na batiin ang mga female trainees ng Coast Guard Non-Officers’ Course (CGNOC) Class 90-2022 “Alab-Magwayen.”

Naging emosyonal ang mga trainees nang makita ang pamilya na natunghayan ang naturang seremonya. May ilan rin na naiyak sa tuwa nang matawagan ang kanilang mga mahal sa buhay para sabihin na papalapit na sila sa pagtupad ng kanilang pangarap.

Magpapatuloy ang pagsasanay ng CGNOC Class 90-2022 bago tuluyang magtapos at manumpa bilang pormal na kabahagi ng Coast Guard.#

 Courtesy:Phil. Coast Guard