CAUAYAN CITY-Ipinahayag ni dating Senador Manny Pacquiao ang programang Production, Distribution, and Consumption (PDC) system para sa mga magsasaka at iba pang mamamayan sa bansa.       

Ayon sa tinaguriang Pambansang Kamao, ang gobyerno ang bibili ng mga ani ng mga magsasaka para ma-stabilize ang presyo at lalong tataas ang kita ng mga nasa sektor ng agrikultura.                         

Ayon sa kanya, makatutulong ito upang maalis ang problema ng mga magsasaka sa paghahanap ng pamilihan para sa kanilang ani.

Mababawasan ang pagtaas ng presyo ng agrikulturang produkto dahil sa mga gastusin sa transportasyon, na pabor din sa mga konsyumer, ayon kay Pacquiao.

Sa naturang pag-iikot ni Pacquiao gamit ang kanyang big bike, dinumog siya ng mga tagasuporta at wala siyang atubli na nakipag-selfie, nakipagkamay at nakibonding sa mga taga-Isabela.#