Nag-alok ng 1,755 na trabaho ang Public Employment Service Office sa ilalim ng LGU Santiago City at sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment sa pamamagitan ng Job Fair bilang isa sa mga highlights ng Balamban Dance Festival ngayong araw, May 1, 2023 na may tema na “Maghanap ng trabaho sa tulong ng PESO” na idinaos sa Robinsons Mall, Santiago City.

Nasa mahigit 1,300 na aplikante ang mga nag-register online at iba pa ang bilang ng mga aplikante na nag walk-in sa loob ng Mall. Nagbukas ang Job fair ng alas 10:00 ng umaga at nagtapos naman ito ng alas 5:00 ng hapon.

Nag bigay mensahe rin ang Inihayag ni Labor Representative Councilor Pandong Lugod sa mga manggagawa na “nasa ating mga kamay ang ika-uunlad ng ating buhay”.

Ulat ni Genalyn Castillo, Trainee