Photo by: MEL KATHRINA RESPICIO

Ulat ni MEL KATHRINA RESPICIO

MADDELA, Quirino-Mainit ang pagtanggap ng mga tao sa bayan na ito sa lalawigan ng Quirino sa tumatakbong presidente na si Senator Ping Lacson. Nagpakitang gilas rin sa pagsayaw ang ibat-ibang klase ng grupo kabilang na rito ang Igorot Tribe.

“Si Ping Lacson ang presidente ko dahil siya ay aktibo,” pahayag ni Felicidad Gaspar, 66 taong gulang na taga-Lusod ng bayan na ito. “Livelihood program at development projects” ang tututukan raw ni Senator Ping matapos tanungin ang ilan sa mga kanyang proyekto.

Sa sektor ng agrikultura, karamihang tanong dahil marami sa mga dumalo ay mga magsasaka kung saan sinabi nila ang kanilang hinaing sa taas ng presyo ng abono at baba ng kita sa palay at mais. Ibinahagi naman nito ang tungkol sa UP biotech at budget para sa mga magsasaka upang maibsan ang taas presyo ng abono at baba sa kita ng magsasaka.

“Isa ako sa mga sumang-ayon para sa chalk allowance,” dagdag niya matapos tanungin ng isang Titser April ang tungkol sa pagtaas ng sahod ng mga guro. Nangako naman si Senador Lacson na kapag sila ng kanyang kapareha na si Senate President Vicente Sotto III ang umupong presidente at bise president, maaasahan ng mga guro na magiging patas ang sahod nila sa mga sundalo.

 “Ang pagkakaiba namin sa ibang kandidato, kami nakikipag-interact we are trying to educate our voters,” dagdag niya.

Nagpasalamat si Mayor Rimel Tolentino, ang alkalde ng Maddela, sa pagdalaw ng senador sa kanilang lugar.#