Balitang Hilaga Reportorial Team

Pitong mga tindahan, sinilbihan ng order ng SSS sa Run After Contribution Evaders (RACE) na mga employer na di nagbabayad ng kontribusyon sa Tumauini, Isabela sa operasyon kanina maliban pa sa isang employer sa Ilagan City.

   Ang pagsisilbi ng notice at demand letters ay bahagi ng “compliance and intensify coverage and collection scheme” sa pamamagitan ng  Run After Contribution Evaders (RACE) na programa ng Social Security System.

   May pagkakataon ang mga delingkwenteng employers na magbayad na walang penalties hanggang November 22 lamang.

   Ang kapabayaan umano ng mga employer ay naging kawalan ng oportunidad sa mga manggagawa na i-enjoy ang kanilang social security benefits and privileges.#