Photo Courtesy of PNP Isabela

CAMP LT. ROSAURO TODA JR. CITY OF ILAGAN, Isabela- Nakiisa ang kapulisan ng Isabela sa paggunita ng ika-82 Araw ng Kagitingin ngayong araw, ika-9 ng Abril, 2024 sa Veterans Tribute Skate Park, Barangay Tagaran Cauayan City, Isabela.

Pinangunahan ito nina Hon. Faustino A. Dy V, Congressman, 6th District of Isabela kasama sina PLTCOL SHERWIN F CUNTAPAY, DPDO, IPPO, PLTCOL ERNESTO DC NEBALASCA JR, COP, Cauayan CCPS, PLTCOL AVELINO D CANSERAN, FC, 2nd IPMFC, at PCPT ROBERTO C MASIDDO JR, CAD PCO, Ilagan CCPS maging sina BGEN EUGENE M MATA, Brigade Commander, 502nd Brigade Infantry Division; Hon. Caesar S. Dy Jr., Cauayan City Mayor; Ms. Marilen A. Tolentino, Head PVAO Field Service Office-Bayombong; COL CHARLIE SANCHEZ, PA (Ret), VFP 3rd Isabela District Consultant; at COL MARCELINO B TACADENA JR, (GSC) PA (Ret), President, VFP Nueva Vizcaya District .

Bahagi nang nasabing aktibidad ang Three Volleys of Fire Sounding of Taps, Wreath Laying Ceremony, at pamamahagi ng makubuluhang mensahe ni Congressman Dy.

Samantala, nagsagawa naman ang kapulisan ng 1st IPMFC at 34 Municipal PS ng kaparehong aktibidad sa pamamagitan ng Flag Raising at Wreath Laying Ceremony sa mga Historical/Veteran’s Memorial Sites sa kanilang nasasakupan.

Ang naturang aktibidad ay isinagawa upang gunitain ang sakripisyo, katapangan at pagmamalasakit ng ating mga kababayan noong panahon ng digmaan at ito’y pagpapakita rin na ang kanilang alaala ay patuloy na nabubuhay sa ating mga puso at sa kalayaang tinatamasa natin ngayon. #