Hindi pa rin daw bumababa ang presyo ng mga gulay sa ilang pamilihan sa Isabela.Patuloy raw ang nararansang taas presyo sa mga panindang gulay ayon sa ilang tindera.

Ang patatas na dating P160 kada kilo ngayon ay naglalaro na sa P180 hanggang P200 kada kilo.

Halos P60 naman ang itinaas sa presyo ng patatas na dati ay P80 lang ngunit nasa P140 na ang presyo nito kada kilo.Bahagya namang bumaba ang presyo ng carrots at naglalaro sa P110 to P120 ang kasalukuyang presyo nito.

Asahan na raw ang lingo-linggong pagbabago sa presyo ng mga gulay sa merkado.#