Bumaba ang presyo ng langis matapos ang pagpapatupad ng rollback ng mga Oil Companies

Ulat ni Ma. Carla Natividad

TINGNAN: Bumaba ang presyo ng langis sa Isabela matapos magpatupad ng rollback ang mga oil companies. Batay sa anunsyo, nasa P 6.10/L ang bawas kada litro ng diesel, P5.70/L sa gasolina at P6.39/L sa kerosene.

Nagbaba ng presyo ang isang pribadong gasoline station kaninang ala-sais ng umaga. Ayon kay Lourdes Arcaina, nagtatrabaho sa naturang gasolinahan, ang dating presyo ng diesel ay P 88.50 ngayon ay P 82.40/L. P85.75 naman ang dating presyo ng Gasolina at Kerosene ngunit P83.05 na lamang ito ngayon. Bumaba ng P6.10 ang presyo ng diesel at P2. 70 naman sa gasolina at kerosene.

Ayon naman sa ilang motorista, mabuti para sa kanila ang pagbaba ng presyo ng langis nguni’t umaasa pa din ang mga ito na higit pang bumaba ang presyo ng langis.