Suspek sa kasong panggagahasa, natimbog ng Ramon PNP

Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City- Arestado ang trentaโ€™y singko anyos na magsasaka sa Purok 2, Pagrang-ayan, Ramon, Isabela sa kasong panggagahasa kahapon.

Kinilala ang suspek na si Eddie Pugal Jr., residente ng nasabing lugar at ika-anim sa listahan ng mga wanted sa batas sa lalawigan ng Isabela.

Ayon sa ulat ng Cordon PNP, ang krimen ay nangyari noong ika-17 ng Disyembre ng nakaraang taon. Pinilit umano ng suspek ang menor de edad na biktima na sumama sa kanya sa bahay ng isang kamag- anak sa Cordon, Isabela at doon isinagawa ang panghahalay sa biktima.

Ang suspek ay nasa kustodiya na ngayon ng Ramon Police Station at nahaharap sa paglabag ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.(PNP-Isabela)