Bilang ng mga nasawi dahil sa covid-19 sa cagayan, umabot na sa 1,222
Umakyat na sa kabuuang 1,222 ang bilang ng mga nasawi may kaugnayan sa covid-19 sa Cagayan ngayong araw, September 13,2021 matapos makapagtala ng 24 na bagong namatay dahil sa sakit.
Batay sa monitoring ng Cagayan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (Cagayan-PDRRMO)sa pamamagitan ng operation Center (OpCen), ang lungsod ng Tuguegarao ang may pinakamaraming bilang ng bagong namatay dahil sa Covid-19 na umabot sa lima; apat ang sa Solana; tatlo mula sa La-lo; dalawa sa Abulug, Allacapan, at Baggao; isa mula sa Camalaniugan, Peñablanca, Buguey, Rizal, at Tuao.
Sa kabuuan, nakapagtala na ang Tuguegarao City ng 357 na namatay dahil sa covid-19, Baggao-111, Solana-77, Buguey-63, Alcala-50, Aparri-49, Gattaran-43, Tuao-42, Lal-lo-39, Allacapan-32, Iguig-32 , Peñablanca-31, Camalaniugan-27, Piat-26, Amulung-26, Ballesteros-25, Claveria-23, Gonzaga-22, Sanchez Mira-21, Sta. Ana-21, Lasam-20 , Abulug-18, Sta. Teresita-18, Sto. Niño-17, Enrile-13, Rizal-10, Pamplona-7 at Sta. Praxedes-2
Nasa 4,957 rin ang aktibong kaso ng covid-19 sa probinsya matapos makapagtala ng ng 300 bagong kaso ngayong araw kung saan ang lungsod pa rin ng Tuguegarao ang may pinakamataas na bilang na 819.
Sinundan ito ng mga bayan ng Baggao an mayroong 399, Alcala-304, Amulung-317, Aparri-281, Sta. Ana-214, Gonzaga-201, Lasam-198, Ballesteros-180, Solana-158, Lal-lo-157, Abulug-149, Sto. Niño-138, Claveria-136, Buguey-130, Pamplona-121, Allacapan-121, Piat-117, Gattaran-110, Sta. Praxedes-95, Iguig-99, Peñablanca-78, Sta. Teresita-73, Tuao-73, Camalaniugan-65, Sanchez Mira-60, Enrile-59, Rizal-53 at Calayan-52.
Umabot na sa 37,196 ang kumpirmadong kaso ng virus sa probinsya mula nang unang makapagtala noong nakaraang taon habang 31,017 ang nakarekober.(Courtesy:Cagayan PIO)