Photo Courtesy: PSSg Miguel Carranza

Ulat mula sa PNP-Cordillera

Sasabak sa 2022 World Police and Fire Games si Police Staff Sergeant Miguel Carranza mula Baguio na kasalukuyang nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group-Cordillera. Ito ay gaganapin sa Rotterdam, Netherlands mula Hulyo 22 hanggang Hulyo 31.

Kabilang si PSSg Carranza sa mahigit 200-man Philippine National Police team na sasabak sa mahigit 60 athletic events sa naturang patimpalak.

Inaasahan na lalaban si PSSg Carranza sa dalawang individual events – half marathon at 10-kilometers cross country kontra sa Top Athletes mula sa mahigit 70 bansa na kinabibilangan ng police at fire departments.

Noong 2017, si PSSg Carranza ang kauna-unahang aktibong miyembro ng PNP na lumahok at matagumpay na natapos ang 166-kilometer Ultra Trail du Mont-Blanc (UTMB).

Ang WPFG ay isang biennial at isang Olympic-style na kompetisyon na kinabibilangan ng mga aktibo at retiradong pulis at bumbero sa buong mundo.#