Ang biktimang si Lyziel Joy Abogade, 19-anyos na Nursing student sa University of La Salette-Santiago. (Courtesy: Abogade Family)


Ulat ng Balitang Hilaga Team
SANTIAGO CITY- Arestado ang hinihinalang pumatay sa isang 19-anyos na Nursing student matapos ang paghahabol mula sa Sitio Sapang Palay, Barangay Mabini hanggang sa Barangay Nabbuan bandang alas-2:25 ng hapon ng Miyerkules (Hunyo 21) dito, ayon sa pulisya.
Sinabi ni Police Major Fedimer Quitevis, tagapagsalita ng pulisya ng Santiago City at hepe ng police community affairs and development unit, na sinubukang iligaw ng umano’y pumatay na si Jeffrey Addam Barga ang mga umaarestong pangkat ng pulisya mula sa tanggapan ng pulisya ng Santiago City, city police intelligence unit, at Station 1 sa pamamagitan ng pagtatago sa masukal na lugar sa Barangay Nabbuan.
Matatandaan na si Lyziel Joy Abogade, 19, ng bayan ng San Mateo ay maagang lumabas mula sa kanyang boarding house alas-4 ng madaling araw sa Santiago City para magsilbi bilang choir member ng Iglesia Ni Cristo para sa kanilang Sunday Mass. Natagpuang patay pasado alas-2 ng hapon noong Linggo na nakatali ang kanyang mga paa at kamay at nakatali pa ang kanyang ulo sa isang puno sa kahabaan ng Palac road sa Barangay Buenavista sa lungsod na ito.@admin