NAGBIGAY-KULAY sa kalangitan ang fireworks display at Christmas village ng Quirino Province. (PLGU Quirino)

Tumingkad ang kalangitan sa pyrotechnics display na simbolo ng pagbubukas ng 11th Paskuhan sa Quirino na may temang “Pasko sa Tribu Year 5! “ na ginanap sa Quirino Sports Tourism Complex, Cabarroguis, Quirino Province kamakalawa. Dinaluhan ito ng libu-libong mga mamamayan at mga opisyal sa lalawigan.

Hangad ng mga opisyal ang pagkakaisa, kapayapaan at pagmamahalan sa kani-kanilang mga mensahe habang pormal na inilawan ang Paskuhan area at ang pagsasagawa ng pyrotechnics display. Binuksan rin ang mga kiosks na itinayo ng anim na mga bayan sa lalawigan na nagpapakita sa mga kakaiba at natatanging pagkain, sayaw, kanta at mga artifacts. Nagbigay-kulay rin ang mga maliliwanag na parol, decorations at iba pa sa lugar.#