Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng 23 na panibagong kaso ang lalawigan, 36 naman ang mga gumaling mula sa virus at 1 ang nasawi.

Sa kabuuang bilang, 6,238 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES, 506 dito ang ACTIVE CASES, 5,533 naman ang RECOVERED CASES at 199 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang Pamahalaang Panlalawigan ay mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19.