Base sa pinakahuling datos ng Provincial Health Office, nakapagtala ng animnapu’t dalawang (62) panibagong kaso ng covid-19 ang lalawigan, labing-isa (11) ang mga bagong gumaling mula sa virus at lima (5) naman ang binawian ng buhay.

Sa kabuuang bilang, 3,479 na ang COVID-19 CONFIRMED CASES ng ating probinsya, 404 dito ang ACTIVE CASES, 2,972 naman ang RECOVERED CASES at 103 na ang COVID RELATED DEATHS.

Patuloy na nadadagdagan ang kumpirmadong kaso sa probinsya kaya’t patuloy rin sa pagpapaalala ang Pamahalaang Panlalawigan na mag-ingat at sumunod sa mga health and safety protocol na ipinatutupad ng DOH at IATF, at kung maaari ay magpabakuna na upang magkaroon ng karagdagang proteksyon kontra Covid-19. (Source: LGU-Quirino Province)