Itinanghal na 5th Top Performing Region buong bansa ang Region 02 sa katatapos na 2024 National Schools Press Conference na ginanap sa Carcar City, Cebu.
Ito’y matapos humakot ng parangal sa Individual at Group Events ang Cagayan Valley delegation.
Sa inilabas na overall result ng NSPC 2024, nasungkit ngayon ng Davao Region (Region 11) ang kampeonato, na siyam na magkakasunod na taong hinawakan ng CALABARZON (Region 4A); pumangalawa naman ang National Capital Region; pangatlo ang Region 4A; pang-apat ang Central Luzon (Region 3); at panglima ang Cagayan Valley (Region 02).
Para sa Elementary Level Overall Result, pumangalawa ang Region 02, habang nasungkit ng Region 11 ang kampeonato; nasa ikatlong puwesto ang NCR; 4th place ang Region 4A; at 5th place ang Region 3.
Humataw ang mga estudyanteng mamamahayag ng rehyon dos sa Elementary Level (Individual Contest) at naiuwi ang sumusunod na pagkilala:
2nd Place–Aaron Paulo Bautista, Editorial Writing
2nd Place –Braille Lia Callueng, Pagsulat ng Lathalain
2nd Place– Inesophia Leielle Casilana, Pagsulat ng Balitang Pampalakasan
3rd Place –Rhealyn Iniego Cauyan, Pagsulat ng Balita
2nd Place –Kaireen Nash Damo, Feature Writing
2nd Place — Denise Renee Reyes, Copyreading and Headline Writing
2nd Place–Edelbrix Ferrer, Editorial Cartooning
4th Place — Anisa Daquigan, Column Writing
4th Place– Richelle Anne Arangel, Editorial Writing
5th Place –Lord Riel Ramirez, Sports Writing
Sa Group Contest naman (Elementary Level) pa rin, narito ang mga award na naiuwi ng Region 02:
5th Place– Best Radio Production
5th Place– Radio Scriptwriting and Broadcasting, Filipino
3rd Place – Best Script
4th Place -Best Technical Application, (Filipino)
4th Place — Best Developmental Communication
5th Place — Collaborative Desktop Publishing
Samantala, para sa Secondary Level, humakot din ng parangal ang Rehyon Dos para sa Individual category:
CHAMPION – James Benedict Tan (USLT), Column Writing, Secondary (English)
CHAMPION –Lance Harvey Rosario (BNATS), Sports Writing, Secondary (Filipino)
2nd Place – Aaron Paulo Bautista (SPUP), Editorial Writing, Secondary (English)
2nd Place – Denise Renee Reyes (Pisay-Nueva Vizcaya), Copyreading and Headline Writing , Secondary (English)
4th Place – Dwayne Johnson Pelagio (Mallig, Isabela), Copyreading and Headline Writing, Secondary (Filipino)
4th Place – Kyla Nicole Remoquin (Claveria, Cagayan), Feature Writing, Secondary (Filipino)
5th Place – Cher Williard Jan Sebastian (Cagayan), Science and Technology Writing, Secondary, (Filipino)
Para naman sa Group Category:
CHAMPION – TV Newscast Secondary (English)
Best TV Anchor — Rachelle Anne Narag
Best Reporter — Jang Mee Lee
1st Place – Best Director (TV Broadcasting)
5th Place — Best News Script (TV)
2nd Place –The Zephyrean (Lal-lo, Cagayan), Best Layout and Page Design, Secondary (English)
4th Place –The Senior Cresset (CNHS), Best Sports Section, Secondary (English)
5th Place –Sinaglahi (Shining Light Academy-Sanchez Mira, Cagayan), Best Science and Technology Page, Elementary (Filipino)
Itinanghal namang Most Outstanding Campus Journalist para sa Region 02 sina Leo Nicholas De Leon para sa Elementary Level, habang si Hajkeem Lintao naman para sa Secondary Level.
Ang NSPC 2024 ay ginanap noong July 8-12, 2024 sa Carcar City, Cebu, na may temang “Galing, Talino, at Husay ng mga Batang Makabansa sa Diwa ng Matatag na Adhika.”#