Naitala kahapon, October 17, 2021, ng Department of Health- Cagayan Valley Center for Health Development ang 739 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Samantala ay mayroon namang naitalang 536 na gumaling at 17 ang naitalang namatay. Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa rehiyon, 5.67% (7,004) ang aktibong kaso, 91.05% (112,368) na ang gumaling, at 3.24% (4,001) ang namatay.