CAUAYAN CITY-Nagbigay-aliw sa mga bata ang pagbubukas at pagpapailaw kagabi, Oktubre 28, ng nagniningning na Christmas centerpiece sa SM Cauayan City.

  Game na game sa paglalaro ang mga bata habang nag-bonding ang mga magkakapamilya at magbabarkada.

  Naging Instagrammable ang lugar sa mga kids at sa nanood sa naturang pagpapailaw na kinatampukan ng reindeer, sleigh, Christmas balls at iba pa.

  Layon ng centerpiece na pasayahin pa lalo ang mga residente at ipadama ang diwa ng pagmamahalan at kapayapaan sa Pasko ngayong Disyembre, ayon kay SM-OIC Regional Operations Manager Sheila Marie Estabillo.

 Dagdag niya, ang dalawang taon na pandemya ay nagbigay-lungkot sa mga mallgoers kaya gumawa sila ng paraan na maibalik ito ngayong taon.

“Pangako namin na ibabalik ang isang tunay na pagdiriwang sa 80 mga malls sa bansa,” dagdag niya. #