Mga 75 taon na ang nakakaraan, ang mga Saksi ni Jehova ay nagsaayos ng kanilang kauna-unahang malawakang relief work sa Pilipinas. Noong Agosto 1946, mga dalawang libong mga Saksi kasama ang kanilang pamilya ang nakatanggap ng tulong mula sa kanilang mga kapananampalataya na nasa iba’t-ibang panig ng daigdig.
Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II noong 1945, ang Pilipinas ay nakaranas nang biglang pagtaas ng mga bilihin at kakulangan ng pagkukunan ng pagkain at damit. Dahil dito, maraming lugar sa bansa ang naiwang naghihirap, kasama na ang sira-sirang mga pasilidad at libu-libong mga patay.
Pagkatapos ng Digmaang Pandaigdig II noong 1945, ang Pilipinas ay nakaranas nang biglang pagtaas ng mga bilihin at kakulangan ng pagkukunan ng pagkain at damit. Dahil dito, maraming lugar sa bansa ang naiwang naghihirap, kasama na ang sira-sirang mga pasilidad at libu-libong mga patay.
Ang punong tanggapan ng mga Saksi ni Jehova na nasa Estados Unidos ay nagsaayos ng pagtulong sa kanilang mga kapananampalataya sa iba’t-ibang panig ng daigdig. Ilang buwan pagkatapos ng digmaan, noong pinahintulutan nang magbiyahe ang mga eroplano at barko, bultu-bultong mga pagkain at damit ang ipinadala sa Europe at Asia. Kasama dito ang humigit-kumulang 479,114 kilo ng damit, 124,110 pares ng sapatos, at 326,081 kilo ng pagkain. Ang kanilang relief work ay sinuportahan ng mga boluntaryo at mga donasyon. Dahil sa mahirap pa noon ang pagpapadala at marami din ang kailangan tulungan, nakarating ang mga ayuda sa Pilipinas noong Agosto 1946.
Sa nakalipas na maraming dekada, ang mga Saksi ay patuloy pa rin sa kanilang gawaing pagtulong. Mga nasa 20 o higit pang bagyo ang tumatama sa bansa kada taon. Mayroon pang mga lindol, baha, at iba pang mga kalamidad. Kapag may pangangailangan, ang mga Saksi ay patuloy sa kanilang pagtulong. Noong 2013, ang Bagyong Yolanda ay humagupit sa gitnang bahagi ng Pilipinas. Noong panahong iyon, ang mga boluntaryong Saksi mula sa iba’t-ibang bansa ay nakipagtulungan sa mga Pilipinong Saksi para maglaan ng pagkain, pangangailangang medikal, pati na rin ang pag-aayos o pagtatayo ng mga nasirang bahay.
Karamihan sa atin ay kilala ang mga Saksi bilang mga tao na nagbabahay-bahay o tumatawag sa telepono ngayong may pandemiya para ipakipag-usap ang Bibliya. Pero sila rin pala ay nakikibahagi sa pagtulong sa komunidad kapag may sakuna—sa loob nang 75 taon at patuloy pa.