Courtesy: PNP Isabela

Timbog ang isang lalaki na retired US Navy dahil sa pag iingat nito ng hindi rehistradong baril sa Brgy. Casibarag Sur, Cabagan, Isabela.

Sa bisa ng mandamiento de aresto na inilabas ng korte, dinakip si alyas Rach dakong alas 6:30 ng umaga sa pinagsanib na pwersa ng Cabagan PS, 201st Company RMFB2, PIU-IPPO, at RIU2.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang unit ng caliber .45  na may stainless magazine; 12 pirasong bala ng 12GA shotgun; pitong bala ng caliber .45; at isang kulay itim na box ng caliber .45.

Matapos ang imbentaryo sa mga nakuhang ebidensya, dinala ang suspek sa Milagros Albano District Hospital para sa medikal na pagsusuri.

Mahaharap naman ang suspek sa kasong RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act na ngayon ay nasa kustodiya na ng Cabagan PS.#