TUGUEGARAO CITY – Nagsagawa ng inspection ang Regional Internal Affairs Service 2 na pinangunahan ni Police Colonel Segundo Lagundi Jr. Regional Director sa Santiago City Police Office noong Huwebes, ika-14 ng Hulyo.
Ang PRE-AGI/ORSITE o Annual General Inspection- Operational Readiness, Security Inspection and Test Evaluation ay isinasagawa ng Internal Affairs Service sa lahat ng Police Provincial Offices sa rehiyos dos upang masiguro ang kahandaan ng mga kapulisan sa pag gampan sa kanilang tungkulin bilang alagad ng batas.
Ang kahandaan ng isang yunit ng PNP ay nasusukat hindi lamang sa kaalaman at kakayahan ng bawat kawani nito kundi ang mga kailangang mga equipments lalo na ang mga serviceability ng mga sasakyan kung saan ginagamit ng mga kapulisan sa pagresponde sa kani kanilang Area of Responsibility.
Naging mahigpit ang RIAS 2 sa isinagawang inspection ang panuntunan hinggil sa “Tamang Bihis” ng PNP.
Samantala, sa Exit Briefing ng RIAS 2, nagbigay ng mensahe si PCOL Lagundi sa mga tauhan ng Santiago City Police Office na pinumumunuan ng kanilang City Director na si PCOL Reynaldo DG Dela Cruz hinggil sa umiiral na mga panuntunan ng Internal Affairs Service upang mabigyan ng kaalaman ang mga kapulisan at maging handa sa anumang sitwasyon sa kanilang pag gampan sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas. # (Photo courtesy: PNP-PRO2)