TUGUEGARAO CITY- Umarangkada muli ang Police Regional Office 2 sa kampanya kontra kriminalidad, illegal na droga at terrosimo sa mas pinaigting na one-day Simultaneous Anti- Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) Hulyo 13, 2022.
Batay sa record ng Regional Operations Division ng PRO2, mula isangdaan at isa na wanted sa batas ang naaresto, pito dito ang Top Most Wanted Persons habangsiyamnapu’t apat naman ay other wanted person.
Sa kampanya kontra terorismo, isang regular NPA, animna NPA in the Barrio at dalawangpu’t siyam na CTG Supporters ang boluntaryong sumuko sa mga awtoridadbilang pagsuporta sa ipinatutupad na programa ng gobyerno sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Sa kampanya kontra iligal na droga, tatlong katao ang nadakip ng mga awtoridad sa dalawang operasyon at nakumpiskahan ng 0.5 gramo ng shabu at 3.5 gramo ng Marijuana na may kabuuan na Standard Drug Price na3,900 pesos.
Samantala, dalawangpu’t anim na katao ang naaresto samagkahiwalay na operasyon sa Paglabag sa PD 1602 o Anti-illegal Gambling Law.
Sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms o paglabag sa Republic Act 10591, tatlong katao ang naaresto sa apat na operasyon at dalawang baril ang nakumpiska.
Bukod pa dito, karagdagang labing apat na baril pa at anim na pampasabog ang nakumpiska at narekober saiba pang operasyon ng PRO2.
Sa implementasyon ng PD 705 o Anti-illegal logging law, dalawang katao naman ang naaresto at nakumpiskahanng 2.11 board feet na kahoy na nagkakahalaga ng 22,366.00 pesos.
Sa iba pang pang paglabag sa batas ay apatnapu’t isa ang naaresto sa sampung magkahiwalay na operasyon.
Pinuri ni PRO2 Regional Director, PBGEN Steve B Ludanang mga kapulisan ng rehiyon dos sa matagumpay naoperasyon. “Magtulungan tayo sa ating sinumpaangtungkulin upang mahuli ang mga lumalabag sa bataspara patuloy na mapanatili ang katahimikan at kaayusanna ating inaasam sa pamayanan” ani ni RD Ludan. #