#COVID19Update Narito ang update sa mga kaso ng COVID19 sa ating Lungsod.

Ngayong araw, nakapagtala ng 47 new cases at 29 new recoveries ng COVID19 sa ating Lungsod. Ito ay resulta ng isinagawang Aggressive Community Testing ng Lokal na Pamahalaan noong September 1-4, 2021 upang matukoy at mapigilan ang paglaganap ng COVID19 sa lungsod.

Sa kabuuan, 5,145 na ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Lungsod, 4646 dito ang naitalang gumaling na habang 139 naman ang bilang ng nasawi dahil sa COVID-19 sa Lungsod.

Sa kasalukuyan, mayroong 360 na active confirmed cases ng COVID19 sa Lungsod. “Patuloy po nating ipagdasal ang kanilang agarang paggaling at tayo po ay sumunod sa mga alituntunin at paalala ng ating pamahalaang lokal alinsunod sa paglaban natin sa paglaganap ng sakit na COVID19,” ayon sa punong lungsod.(Courtesy:LGU-City of Santiago)